Why Do I Even Bother?


SINO AKO?

BUHAY-BUHAY  KWENTONG PAG-IBIG  LITRATO  SALOOBIN  TULA 

365/366 DAYS CHALLENGE  AUDIO/VIDEO  CRAPPY COVERS  RANDOM  REBLOGS 

Magpapaschedule na ako ng stress test bukas at sana naman ay matuloy na.

Nag-aalala na kasi si Mom at nakiusap na huwag na raw akong magpuyat dahil masama ‘to sa akin (nahuli niya ako kaninang madaling araw kasi chineck niya kung nakarating na ako ng bahay at naabutan niya akong gising ng 4AM). Binigyan niya ako ng palugit na ‘til 9:30PM lang akong pwedeng gumamit ng laptop para hindi ako madistract at makatulog na ng maaga.

So ayun, maglalogout na ako sa Tumblr at magmumuni muni na lang.

Good night.

Mahirap para sa akin na nakikita yang mga posts mo. Hindi naman sa nakakairita sila o ano pero yo’ng malaman ko na online ka at yung fact na hindi na tayo makakapag-usap ng tulad ng dati ang nagpapabigat ng kalooban ko.

Siguro nga, kinakalimutan mo na rin ako dahil magiging masaya ka na sa buhay mo’t makakahalubilo mo ng muli ang mga tunay na kaibigan mo sa labas ng Tumblr.

Ayaw ko sanang gawin ‘to pero para rin sa ikabubuti ‘to.

All things must end, ika nga.

At ito na nga ang pagtatapos ng kung ano man ang mayroon sa ating dalawa.

Paalam.

writeinspace:

Ha, how pathetic can I get, begging for someone to stay with me. Pathetic for hoping that they will. Pathetic for expecting someone will ever just stick around like that for me like it’s so easy. Pathetic for existing for nothing. Pathetic for believing that one day someone will see my worth. Pathetic. Pathetic. Pathetic. I’m never going to be good enough. I’m worthless. Worthless piece of shit soul. No-good-for-nothing guy. Shall-die-to-save-everyone-the-trouble guy. Dead guy.

Kung follow back lang ang habol niyo, madali naman akong kausap e.

Hindi niyo na ako kailangang bolahin at sabihan na magaling akong mag-blog echos na yan. Ako nga walang bilib sa sarili ko tapos biglang magagandahan kayo?

Oh c’mon, mamon!

LSIMHCIWFEFMTALOL

Daing na Bangus at Tuna with isang cup ng kanin. Hehe.
Ngayon pa lang ako kakain ng pananghalian.
At oo, sa paper plate ako kumakain kasi tamad akong maghugas ng plato at plastic cup and plastic spoon & fork din ang ginagamit ko.

Kakatapos ko lang maghanap sa IMDb ng mga movies at documentaries na ma-ddownload. At dahil ayaw ko ng Action at Romance, more on Mystery, Fantasy and Sci-Fi yung mga genre ng mga napili ko at ang DAMI nilang iddownload ko. Good luck sa internet connection ko. lol

Ngayon, libreng libre na akong mapanood lahat lahat lahaaaaat ng movies na gusto ko.

Ang sarap ng walang pasok! Hahaha!

amateurdreamer:

Minsan, mas mabuti pang lokohin ko ang sarili ko na hindi ko gusto ang isang tao. Kesa sa aminin ang totoo, kahit alam kong masasaktan lang din naman ako

So napag-usapan namin nila Miles at Benjie na magkikita ng alas-tres sa SM. As usual, late na naman ako kasi maliligo pa lang ako nung tinawagan ako ni Benjie at sinabing Magkasama na sila ni Miles. Hihintayin na lang nila ako sa may smoking area sa may Cottage G’s. Naligo na ako, nagprepare etc. Siguro mga 4PM na ako nakarating sa SM. Pagdating ko do’n, wala sila. So tinawagan ko ulit si Benjie, tinanong kung nasaan sila, tapos nasa pinakababa pala sila at sinabing pupuntahan na lang nila ako.

Pagmeet namin nagpasama akong bumili ng Advil sa Watson’s kasi masakit yo’ng ulo ko dahil alas-sais na ako nakatulog kaninang umaga dahil sa basta. After no’n, tumingin rin kami ng shoes tapos stroll stroll lang habang pinapalipas ang oras para magdinner. E nagugutom na si Benjie, so niyaya ko silang kumain ng Takoyaki. E tangina lang, hindi masarap yung Takoyaki nila sa SM so niyaya ko sila na pumunta sa Porta Vaga dahil doon binibenta yung pinakamasarap na Takoyaki na nakain ko.

Pagkatapos naming kumain ng Takoyaki, nag-isip isip na kami habang binabagtas ang kahabaan ng Session kung saan kami kakain at tinawagan na rin namin yung iba pang tropa para masaya. Napagdesisyunan namin na sa Good Taste Legarda na lang at sa lahat ng tinawagan namin ay si Bert lang ang nayaya namin. So ayun, nauna na kami sa Good Taste at do’n na lang namin siya hihintayin.

Pagdating namin do’n, ang bilis ng mata ni Benjie at nakahanap agad ng chicks at upuan. Haha. Sakto pa yung upuan niya kasi kitang kita niya sila. Tapos yo’ng pwesto ko, nakatalikod sa kanila. Tumawag na si Bert na nasa labas na daw siya, sabi ko d’yan lang siya at susunduin ko siya.

Paglabas ko, nakita ko na agad siya. So ayun, kumustahan, blah blah blah. Tapos pagpasok nami ng Good Taste, nakita niya rin agad yung mga chicks dun sa kabilang table at sabi niya dahan dahan lang kaming maglakad para masulit daw namin yung view. Hahaha!

Um-order na kami, kumain, nagkwentuhan. At no’ng bandang 9PM na, napagpasyahan na naming pumunta sa KK (Kaffeeklatsch). Do’n kasi talaga ang tambayan namin dati pa nung kumpleto pa kaming tatlo. Hindi kami nagpupunta ng Nevada dahil maraming tao’t maingay dun lalo na ngayong sabado. E chill lang do’n. Tamang acoustic ang tugtugan tapos cozy ang ambiance. Kaso nga lang, ang init kanina. Partida nando’n na kami sa may smoking area na bukas yung mga mini bintanas pero mainit pa rin. Tapos ayun, nagtext si Ken na susunod raw siya sa KK.

At sa dinamirami naman ng araw at lugar e natiyempuhan ko pa na nando’n yung prof ko sa ComArt4. Haha. Alam kong nakita niya ako dahil sa laki ko ba naman e. LELS

Nagtext na si Ken na nasa labas na raw siya. So sinundo siya ni Benjie sa labas. E ewan ko kung bakit, nagkukwentuhan naman na sila do’n. Tapos nabore na rin si Bert at lumabas na rin siya. Tapos tatlo naman na silang nag-uusap usap. Akala ko e may gulo so nacurious ako at lumabas din. Paglabas ko, nagyoyosi lang pala sila. Haha. At saktong nando’n din pala yung prof ko pero hindi na ako nag-hi at niyaya na lang sila Ken na bumalik na sa loob at do’n na lang mag-usap.

Hindi ko alam kung bakit pero sooooobrang boring nung set na sumunod. Lalaki kasi yung kumakanta kaya hindi kami interesado. Nyahaha. Joke. So ayun, kwentuhan lang kami at picture picture. Wahahaha. “Picture picture” LOLOLOL

No’ng mga bandang 11:30 na, sagad sagarang napakaboring na talaga do’n, kaya napagpasyahan na lang naming umalis. Paglabas namin, nagbrainstorm na naman kami kung saan pupunta next. Tinatanong ni Bert kung gusto ba daw namin mag-alak, sabi ko kayo kung gusto niyo. Ako, ayaw ko. Tapos ewan, bigla naman silang umayaw din. Haha.

Nagdesiyon na lang kami na umuwi na lang at magkita kita na lang ulit bukas.

So ayun lang naman ang nangyari kanina. Tinatamad na akong maglagay pa ng ibang details shiznitz kaya okay na ‘to. Hehe.

Sa dinami rami ng picture namin kanina, ito lang ang in-upload ni Benjie:

L-R: Bert, Ako, Miles, Benjie at Ken.

(Tinatamad akong i-edit yang picture kaya mamaya na lang pagkagising ko. Wala rin lang namang makakakita nito ngayon kaya ayan, kita niyo na ang mukha ko. Hehe. Blurred na yan maya-maya kaya tandaan niyo na ang mukha ko o ieedit ko pa ba? Blurred na talaga yung kuha e. HAHAHAHA! XD)

Gusto kong tumira sa Korea!

Kakatapos ko lang panoorin yung Kimchi Chronicles sa Lifestyle Channel.

Pinakita doon yung mga nakakatakam na pagkain nila at ang maganda pa do’n ay puro lahat gulay. Iba ibang varieties at hindi mo aakalaing gawa sa gulay lahat ang mga iyon.

Nakakatuwa! =)

Gusto ko na tuloy mag-aral magsalita ng Korean at makinig ng mga Kpop songs. lels

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10   Next »